Marcos 4:21-25
Nagpatuloy si Jesus ng pagsasalita. Sinabi niya, "Sinisindihan ba ang ilawan upang itago sa isang malaking takalan, b o kaya'y sa ilalim ng higaan? Hindi ba't kapag nasindihan na ay inilalagay ito sa talagang patungan ng ilaw? Walang natatagong di malalantad, at walang lihim na di mabubunyag. Makinig ang may pandinig!"
Idinugtong pa niya, “Unawain ninyong mabuti ang inyong naririnig. Ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo, at higit pa roon. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.”
Pagninilay:
Bata pa ako ay kinaugalian ko na ang mamuhay ng mag-isa. Likas kasi akong mahiyain at hindi palakibo at palakaibigan. Ang pagiging tahimik at walang kibo ay siya kong mascara upang itago ang likas kong pagkatao. Sarili kong buhay ang iniintindi ko at hindi nakikihalubilo sa iba. Bagama’t tahimik lang ako, may itinatago naman akong talino at diretso ayon sap unto sa pagtalakay ng mga bagay-bagay. Hindi ako relihiyoso, at madalas ay hindi ako nagsisimba tuwing Linggo dahil malayo sa amin ang simbahan at tatawid ka pa ng ilog para makarating ditto.
Nang magmarriage encounter kami ng aking maybahay na si Remy sa isang Catholic Charismatic Community (BLD) noong 1992 ay nagging palabasa ako ng Salita ng Diyos at natutunan ko ang kahalagahan nito. Dumalo ako ng iba’t ibang seminars, pagtuturo, upang ganap kong makilalala si Kristo. Naging aktibo ako sa komunidad at natutunan ko na ang tao ay hindi nabubuhay sa sarili lamang. Bilang Kristyano at bilang tagasunod ni Kristo, kailangan nating makipag-ugnayan sa kapwa at ipamarali ang katotohanan, ang katotohanan ayon kay Kristo Jesus, sapagkat ang katotohanan ang magpapalaya sa atin. Nararapat lamang na ipagpatuloy ang naiwang gawain ng ating Panginoon dito sa mundo sa pamamagitan ng pagiging disipulo at pagpapahayag ng Mabuting Balita – ang Salita ng Diyos nang sa gayon ito ay maging gabay natin sa pagtahak sa buhay kabanalan. Dapat lang na tayo ay maging magandang halimbawa, tulad ng ilaw ni Kristo na nagliliwanag, upang mapamarisan ng mga nakakakita dito.
Nararapat lang na huwag itago ang talentong ibiigay ng Diyos sa atin at gamitin ito sa paglilingkod para sa kapakanan ng iba at sa kaluwalhatian ng Diyos.
(Bro. Boy C. Hernandez)
No comments:
Post a Comment