Marcos 6:30-34
Bumalik kay Jesus ang mga apostol at iniulat nila sa kanya ang lahat ng kanilang ginawa at itinuro. Subalit napakaraming taong dumarating at umaalis, at hindi na nila makuhang kumain. Kaya't sinabi ni Jesus sa mga alagad, "Magpunta tayo sa isang lugar na kung saan maaari tayong makapagsarilinan, at upang makapagpahinga kayo nang kaunti." Umalis nga silang sakay ng isang bangka, at nagpunta sa isang ilang na lugar.
Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakaalam kung saan sila pupunta. Kaya't ang mga tao mula sa lahat ng bayan ay patakbong pumunta sa lugar na iyon at naunahan pa nila sila Jesus. Pagbaba ni Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol, kaya't sila'y tinuruan niya ng maraming bagay.
Pagninilay:
Ako ay isang manggawa sa simbahan simula pa noong ako ay 18, ngayon na nasa 35 taong gulang na kung saan ang aking kabiyak sa puso ay isa ring maggagawa sa simbahan na may isang anak at kasalukuyang isa pa sa aking sinapupunan. Ang paglilingkod na ito ay aking pinagpa tuloy sa loob ng 18 taon. Biro ko sa aking sarili, bilang isang manggagawa sa simbahan ay ang di pagtatamo ng pasasalamat. Walang sweldo, walang bakasyon, walang pasasalamat at minsan ka lang kalugdan; ang malimit ay ang pagbabatikos sa iyong pagkukulang. Kahit na sinong matinong tao pipiliin maging isang simpleng parokyano ng simbahan; ang pag punta sa simbahan sa araw ng Linggo, pagbibigay ng bente pesos sa koleksyon at pagbibigay naman ng singkwenta pesos na kung saan ang aming purok ang na atasan na manguna sa banal na misa.
Ganun pa man ako at ang aking asawa ay pinili ang mag silbi hanggang kaya sa kabila ng pagpapalaki ng bagong pamilya. Andito pa rin kami sa kabila rin na ang aming mga kasama dati ay mga nagsipag hinto sa pagsilbi sa simbahan. Pinili din namin ang manatili sa kabili ng pahirap na pahirap na pagsamahin an gaming mga oras sa serbisyo. Bakit? Si Hesus ang nag atas nito sa amin. Bakit? Dahil si Hesus ay piniling manatili sa piling ng kanyang mga apostoles, na dumaig sa pag-ibig at awa sa mga taong sumusunod sa kanya. Sa kabila ng pagsilbi sa kanya ay nagangahulugang paglayo sa Diyos. Marami ang inani ngunit konti ang uma-ani. Binigyan niya kami ng talentongsa larangan ng pag-awit upang ito ay ibahagi sa aming kapwa. At ang importante sa lahat, pinili namin ito dahil ito ang kanyang atas. Ang pag silbi sa kanya ay nangangahulugang mahal niya din kami at kami’y ganun din at ang kanyang pagsang-ayon ay isang hudyat ng pag anyaya na aming ipagpa tuloy ang pag silbi sa kanya.
(Janice Casalo)
No comments:
Post a Comment