Marcos 6:53-56
Tumawid sila sa ibayo at pagdating sa Genesaret ay dumaong sila sa pampang. Pagbabang-pagbaba nila, nakilala agad siya ng mga tao. Kaya't nagmadaling nilibot ng mga tao ang mga karatig-pook at sinundo ang mga maysakit. Dinadala nila ang mga nakaratay sa higaan, saanman nila mabalitaang naroon si Jesus. At saan man siya pumunta, sa nayon, sa lunsod, o sa kabukiran, agad na inilalapit sa kanya ang mga may karamdaman at ipinapakiusap sa kanya na mahawakan man lamang nila ang laylayan ng kanyang damit. At ang lahat ng makahawak dito ay gumagaling.
Pagninilay:
Paniniwalang may pananampalataya ay isang makabuluhang solusyon upang malunasan ang mga problema gaya ng sakit, lungkot, alalahanin, takot at iba na katulad nito. Dahil sa ating paniniwalang si Hesus ang pinagmulan ng lahat, madali itong makakamit kung matibay ang pundasyon. Maraming mga pangyayari na dahil sa pananampalataya ang mga malulubhang sakit o buhay na may taning na ay guma-galing.
Gaya ng nangyari sa aming buhay, dinala namin sa isang prayer meeting ang aming may sakit na anak sa aming pakikinig sa Salita ng Diyos gumaling ang aming anak sa oras din ‘yon. Tunay nga, pananampalataya sa Diyos ay magbi-bigay sa atin ng kapahingahan.
(Danny Borlaza)
No comments:
Post a Comment