Friday, January 16, 2015

Enero 16, 2015

Marcos 2:1-12

Pumasok si Jesus sa Templo. Habang siya'y nagtuturo doon, lumapit sa kanya ang mga punong pari at ang mga pinuno ng bayan, at siya'y tinanong, "Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang gumawa nito?" Sumagot si Jesus, "Tatanungin ko rin kayo. Kapag sinagot ninyo ang tanong ko, saka ko sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito. Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbautismo, sa Diyos ba o sa tao?" Kaya't sila'y nag-usap-usap, "Kung sasabihin nating mula sa Diyos, sasabihin naman niya sa atin, 'Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?' Ngunit kung sasabihin nating mula sa tao, baka naman kung ano ang gawin sa atin ng mga taong-bayan, sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta." Kaya't sumagot sila kay Jesus, "Hindi namin alam!" Sinabi naman niya sa kanila, "Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga ginagawa ko.”


Pagninilay:

Marami ang tao at si Jesus ay nasa loob ng bahay na marahil ay may ginagawang mahalagang bagay. Habang siya’y naroon, bigla na lamang natanggal ang bubong ng bahay at isang paralitiko ang inihulog sa kanya. Ang ganitong sitwasyon sa ating paningin ay hindi kaaya-aya. Una, sinira nila ang bubong ng bahay ng iba na sadyang hindi tama. Isa pa, binulabog nila ang katahimikan ni Jesus at ng may-ari ng bahay. Malamang tayo’y magagalit sa kanila at sila’y ating sisigawan at ipagtutulakan dahil sa kawalan nila ng magandang asal. Subalit si Jesus ay taliwas ang pananaw sa nasabing sitwasyon. Sa halip na makita ang kapangahasan o kawalan ng modo ng apat na lalaki tulad natin, ang nakita niya sa kanila ay ang malalim na pananampalataya at pagmamahal sa kapwang may karamdaman. At dahil sa kanilang walang pasubaling pananampalataya kay Jesus ang paralitikong inilapit nila sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtuklap ng bubong upang dito’y dumaan dahil sa dami ng tao ay Kanyang pinagaling.

Karaniwan na sa atin ang ituon ang ating paningin sa kung anong negatibo sa bawat sitwasyon. Kung kaya naman malimit tayong magreklamo. Mahirap ang buhay, masama ang pamahalaan, matrafic at kung ano pang litaniya ng mga hinaing.

Subalit sa ebanghelyo ngayon at sa pamamagitan ng kanyang halimbawa, tayo’y tinuturuan ng Panginoong Jesus na tumingin at pahalagahan ang maganda o mabuti sa bawat sitwasyon, nang sa gayon tayo’y hindi nabubugnot at tayo’y may kapayapaan at katiwasayan sa buhay.

Ako ba’y yaong uri ng tao positibo o ako ba’y yaong pawang negatibo o masama ang nakikta sa aking kapwa at sa bawat sitwasyon? 



No comments:

Post a Comment